K-pop, Music

NEVER FORGET: Minzy’s departure from 2NE1

Hay. It’s been a year na pala since in-announce ni Papa YG ang pag-alis ni Minzy sa 2NE1.

Gong Minzy
Photo courtesy: Gong Minzy’s Instagram
“2NE1 is disbanding and Minzy is leaving YG Entertainment?”

Allkpop’s article about Gong Minzy
Allkpop’s headlines about Gong Minzy
‘Yan lang naman ang balitang bumungad sa News Feed ko, ‘galing sa allkpop.

Well, upon reading the news, inakala ko na rumor lang ‘yon. Ipinagtanggol ko pa si Minzy. Buset! Tama pala ang rumor.

Allkpop’s comment section
Allkpop’s comment section
Tandang-tanda ko pa, nakaupo ako sa kutson habang naghuhugas ng pinggan ang aking Baby Girl. Parehas kaming Blackjack kaya halos maihagis n’ya ang mga pinggan na hinuhugasan n’ya nang sabihin ko sa kanya ang masamang balita.

“Minzy confirms she will be leaving 2NE1 permanently”, isa pa sa headlines ng Koreaboo.

Pero hindi na ako nagulat dito noh. Matagal ko nang naramdaman na may invisible wall sa pagitan ni Minzy at ng ibang members.

Kahit panoorin n’yo pa ‘to:

Sa totoo lang, hanggang ngayon naman, kahit isang taon na ang nakalipas, wala akong naramdamang panghihinayang sa pag-alis n’ya.

Gong Minzy
Photo courtesy: Gong Minzy’s Instagram

At kahit nagdiwang ang mga SONE at kinumusta ang kalagayan ko, ito lang ang masasabi ko: “Hindi ako nalungkot.”

Nagtampo ako at nagalit sa kanya. Pero nalungkot? Hindi. Siguro kasi, alam ko na rin na mauuwi sa disbandment ang 2NE1, which is nangyari nga, ‘di ba?

Para sa’kin, atat lang talaga si Minzy. Kaya nga ‘Babaeng Atat’ ang tawag ko d’yan. Madi-disband rin naman sila, pero ‘di n’ya pa nagawang maghintay. Parang ang lumalabas tuloy, s’ya ang bumitaw sa friendship.

Moving on

Pero okay na ‘yon. Isang taon na ang lumipas.

Sa totoo lang, kapag binabalikan ko ‘yung mga panahon na active pa ang 2NE1, naiisip ko ‘yung mga bagay na nagawa nila para sa’kin.

Dahil sa kanila, hindi na ako nahihiyang i-express ang sarili ko. Hindi na rin ako natatakot na ipaglaban ang sarili ko lalo na’t alam ko naman na nasa tama ako.

Isa sila sa nag-boost sa confidence ko. Isa sila sa nagtaas ng standards ko pagdating sa entertainment. Naging mas creative ako. Mas nakilala ko kung sino ba talaga si Keneth Quinto.

Noona una, nasa denial stage pa ako. Talagang nagpa-petition pa ang Blackjacks’ Blacksheeps na sana bumalik si Minzy. 

Blackjacks’ Blacksheeps’ “Fourever” project
Poster for “Fourever” project
Although alam ko na hindi n’ya naman ‘yun mababasa, keri lang. At least nag-effort pa rin ako, kami at tayo na pigilan s’ya, ‘di ba?

“Fourever” project content
“Fourever” project content
Basta, ngayon, wala na akong gaanong pakialam sa kanya. Kung anuman ‘yung mga sumpang binitawan ko para sa kanya (sumpa talaga?), binabawi ko na.

Ngayong 2017, magri-release s’ya ng extended play (EP or mini album). ‘Di ako excited.

Nonetheless, kung mag-success man s’ya sa attempted debut na ito, eh ‘di maganda. Good luck. Kung hindi naman mag-success, so what?

Gong Minzy
Photo courtesy: Gong Minzy’s Instagram

Pero, salamat pa rin sa mga nakaka-wow na performances n’ya. Isa ‘yon sa ipagmamalaki ko nu’ng nasa 2NE1 pa s’ya. Pero hanggang doon na lang.

gongminzy

Si Minzy na tine-tresure ko e ‘yung Minzy na member ng 2NE1. Pero ‘yung Minzy na umalis sa grupo para mag-solo, matagal ko nang kinalimutan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s