Pinatunayan ni Vice Ganda na isa talaga s’yang phenomenal star!
Ngayong araw, April 10, inilabas ng AGB Nielsen ang kanilang data para sa araw ng Linggo, April 9.
Ayon sa kanilang NUTAM People Ratings, nakapagtala ng 4.2% ang late night show ni Vice na “Gandang Gabi Vice”.
Samantala, nakapagtala naman ng 3.7% na rating ang special episode ng “Trip Ni Kris”.
Sa mga pagkakatong ito, marahil ay iniisip ng ng Queen of All Media na bumalik sa TV station na nagpasikat sa kanya. Kung ako ang tatanungin, kahit mag-positive thinking pa s’ya ay matatalo pa rin s’ya lalo na’t si Vice Ganda ang katapat n’ya.
1 thought on “Trip Ni Kris, hindi umubra sa Gandang Gabi Vice”