Short films

Lucia pa more! 10 short horror stories na kakabog kay Lucia

Nauulol na naman ang Facebook friends ko sa bagong pangalan na nag-trending sa social media. Kilala n’yo s’ya!

Walang iba kun’di si…

Lucia Joaquin
Lucia Joaquin
Lucia Joaquin!

Sa sobrang bilis n’yang nag-trending sa social media, lalo na sa Facebook, hindi nakapagtatakang makilala agad s’ya noh!

S’ya ‘yung babae na nakipag-chat through Messenger sa isang lalaki na nagngangalang Enzo. Madaling-araw nang magising itong si Enzo para umihi. Pero hindi na s’ya nakatulog pagkatapos no’n. Kaya hayun! Binulatlat n’ya muna ang kanyang Facebook account.

Surprisingly, may nag-chat sa kanya sa Messenger na Lucia Joaquin ang pangalan. Well, to make the long story short, katabi lang pala ni Enzo itong si Lucia. Ang corny, funyeta!

Hindi ko alam kung bakit ang daming natakot dito. Mga gusto sigurong maging “cool.” First time ‘atang makabasa ng ganitong horror story.

Speaking of horror stories, ang dami-daming short horror films na naglipana sa YouTube. Well, isa-isahin natin ang mga short horror films na tumakot sa mga YouTube users na hindi ‘asa sa Free Facebook.

10. The Nightmare

I’m sure, makaka-relate ang mga taong nakakaranas ng ‘bangungot’ o ‘yung sleep paralysis tuwing natutulog sila. Anong gagawin mo kung demonyo ang bumubulabog sa pagtulog mo?

9. Gamer Over

Paano kung mabuhay ang mga character mula sa video game na nilalaro mo? Makapaglaro ka pa kaya ng maayos?

8. Friend Request

Kwento ng isang lalaki na nakatanggap ng friend request mula sa hindi kilalang Facebook user. Kung ano ang intensyon ng misteryosong Facebook user na ito, paniguradong ikagugulat mo!

7. The Smiling Man

Matuto kang tumakbo kapag alam mong nasa peligro na ang buhay mo.

6. The Moonlight Man

Babala! Magsama ng maraming kaibigan kapag mayroon kang pupuntahan. Baka makasabay mo sa iyong dadaanan ang ‘The Moonlight Man.’

5. Attic Panic

Ang short horror film na ito ay isang patunay na huwag na huwag kang magpa-panic kapag takot na takot ka na! Malay mo, ‘yung takot mo ang magpahamak sa’yo.

4. Alexia

Matutuwa ka kaya kung dalawin ka ng iyong ex? Paano kung may madilim kang nakaraan mula sa kanya? Kakayanin mo bang harapin muli s’ya?

3. Bedfellows

Paano kung hindi mo pala asawa o kakilala ang katabi mo sa pagtulog mo? Makakatakbo ka pa kaya?

2. 2AM

Matatakot ka kaya kung may makasalubong kang lalaki sa kalagitnaan ng hatinggabi? Nakatingin sa langit, naglalakad na para bang nagsasayaw, at nakangit habang papalapit s’ya sa’yo. Tatakbo ka ba o magpapahuli sa kanya?

1. Lights Out

Marahil ay pamilyar na sa inyo ang title na ito. Nag-hit kasi ang short horror film na ito kaya nakarating sa Hollywood at naging mainstream film. Sa loob ng mahigit dalawang minuto, makakaya mo kayang patayin ang ilaw mo?

S’yempre, ilan lang ‘yan sa mga nakakakabog ng heart na mga horror short films. Masarap itong panoorin kapag nakatodo ang volume sa earphone mo.

Try n’yo kasing mag-explore! Hindi ‘yung takot na tako kayo kay Lucia; samantalang mas marami pang nakakatakot na kwento kaysa sa kanya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s