ABS-CBN, Charts, Music, Television

Meteor Garden — the Asianovela that started it all

Halos isang dekada na rin ang lumipas simula nu’ng nangyari ang Meteor Garden Fever sa Pilipinas at sa buong Asia!

Meteor Garden cast
Meteor Garden cast
Kung may Spice Girls nu’ng late-90s ang ‘Pinas, may F4 naman tayo nu’ng early-2000s. Salamat sa Meteor Garden!

F4
L-R: Vanness Wu, Jerry Yan, Ken Chu, Vic Zhou

Tandang tanda ko pa noong unang ipinalabas ‘to sa ABS-CBN. Inaabangan ko talaga kung ano ba ang mangyayari kay San Chai sa school na pinapasukan n’ya. Kasi naman, inaapi s’ya ni Dao Ming Si. Pero kilig pepe ako nu’ng inalagaan na s’ya ng leader ng F4!

Noon, 6 or 7 out of 10 na mga music video (MV) yata sa Myx Top 10 e mula sa F4! May naliligaw minsan na OPM or English song, pero consistent na puro F4 talaga. Ilang buwan ding nagtagal ‘yon! Laspag ang Myx no’n sa F4 at sa Meteor Garden.

Myx Hit Chart July 5, 2003
7 Meteor Garden-related songs inside Myx Hit Chart dated July 5, 2003
Myx Hit Chart July 26, 2003
Meteor Garden dominating the Top 6 of Myx Hit Chart dated July 26, 2003; 10 entries inside the Top 20
Purgang-purga ang mga Pinoy sa “Broken Vow”, “Meteor Rain”, “Can’t Help Falling in Love”, at marami pang iba. Take note, hindi nakapalag sina Cristina Aguillera, Beyoncé at Britney Spears sa Meteor Garden Domination!

Myx Hit Chart August 2, 2003
F4 members fighting for number 1 spot at Myx Hit Chart dated August 2, 2003
Nagkalat din ang mga merchandise — peke man o original. Kahit saan ka lumingon, may F4! ‘Yung pinsan ko nga, may mga posters pa plus mga CDs ng Meteor Garden. Ako naman, dahil mahirap lang kami, may sando at shorts nila ako. ‘Yung tigsa-sampung piso noon sa tiangge.

Meteor Garden 2 VCD
Meteor Garden 2 VCD from eBay

May lyrics din ako ng “Qing Fei De Yi”, ‘yung opening theme song) ng Meteor Garden. ‘Pag may lyrics ka’ng nakasulat sa likod ng notebook mo nu’ng elementary ka, sikat ka! Ano, palag ka? Ahahahah. Tagalog version pa nga eh!

S’yempre, meron din ako nu’ng lyrics ng “Can’t Lose You” na mas kilala bilang “Oh baby baby baby” sa ‘Pinas. Ahaha. Tagal nitong nag-number 1 sa Myx. Guess what? “Broken Vow” ang nagpatumba dito. Official soundtrack din ng Meteor Garden. Kabog noh?

Naalala ko pa, sobrang proud pa ako kapag nakakanta ko sila in full English. Feeling translator ako nu’n eh. ‘Yung mga pinsan ko, ‘di ko mamalayan kung natatangahan ba sila sa akin o namamangha. Ahahaha.

Tapos, palagi akong nagmamadaling umuwi noon sa bahay para lang mapanood ‘yung MV nila. Hawak-hawak ko ‘yung sinulat kong lyrics habang sumasabay sa kanta (MV muna ang ‘pinapalabas bago ‘yung mismong Meteor Garden).

At minsan, ginagaya ko pa si San Chai at ‘yung famous line n’ya na “Dao Ming Siiii! Chung ching chang chang.” Nand’yan din ‘yung scene na hinahabol n’ya ‘yung bus na sinasakyan ni Dao Ming Si! Aminin n’yo! Ginaya n’yo rin ‘yan! With props na real oranges pa nga, para feel na feel. Ahahaha.

Topic rin s’yempre sa school ang mga member ng F4 at kung ano ang nangyari sa episode ng Meteor Garden. Ewan ko ba. Napanood naman naming magkakaklase ‘yung episode ng Meteor Garden kagabi bago pumasok sa school pero pinagkukwentuhan pa rin namin sa klase. Ahahaha. Kwentuhan sa flag ceremony. Keentuhan habang wala pa’ng teacher. ‘Pag tungtong ng recess, of course, kwentuhan ulit! Hanggang uwian, puro F4 at Meteor Garden ang pinagkukwentuhan. In short, nilamon na kami ng sistema.

Nauso din dati ‘yung tinatawag na “Gupit F4.” Kahit yata hindi bagay sa’yo ‘yung gupit, basta alang-alang sa F4, magpapagupit ka pa rin na katulad ng sa kanila. Of course, kapag nagtirintas ka sa two sides ng buhok mo, automatic na ikaw si San Chai noh!

Gupit F4
Meteor Garden hairstyles
At ‘eto pa! May replay tuwing Sabado at Linggo ang Meteor Garden. Wait, there’s more! ‘Pinapalabas din ito sa Studio 23, 5 times a week (para sa mga malabo or walang channel 2). At dahil dito, kaunti na lang ang nagsi-siesta o natutulog sa hapon para lang makapanood ng kinaaadikang palabas. Oh ‘di ba?

S’yempre, ang pinakanakababaliw sa lahat e ‘yung pagpunta ng F4 dito sa bansa natin. Ito ‘yung momentum eh. Nalungkot kaya ako nu’n! Kasi naman, hindi ko sila nakita ng personal.

Tatlong beses silang tumapak sa bansa. Nu’ng una, si Vanness Wu at Ken Zhu lang ang pumunta kasama si Barbie Hsu with her sister, Dee. Then, months later, bumalik ulit si Barbie at ang kapatid n’ya; this time, kasama naman sina Jerry Yan at Vic Zhou to celebrate ABS-CBN’s 50th anniversary.

Alam n’yo ba? Mas matindi pa raw kay Michael Jackson at Thalia ang pagdating ng F4 with Barbie sa ‘Pinas! Biruin n’yo, mismong NAIA employees, nakigulo sa pagdating nila! ‘Yung inaasahan mong sasaway sa mga fans, nakigulo rin at nakitili. Ahaha.

E kumusta naman ang courtesy call ni Jerry sa Malacañan? Beatles lang ang peg. As usual, mismong mga government employees e nagkagulo. Naitsepwera ang beauty ni former president Gloria Macapagal-Arroyo.

Tapos, nag-wish pa ako na sana ako na lang si Aiai delas Alas. At sigurado ako, nainggit din ang mga kapwa ko Batang 90s kay Aiai no’n! Ahaha.

Pero ang pinaka-kabog sa lahat e nu’ng kumpleto na silang nag-perform dito. ‘Langya ‘yung mga audience eh. Hindi pa bumubuka ‘yung bibig ng F4. Nakangiti pa lang, pero para nang pinupunit ang singit ng mga babaeng audience sa sobrang lakas ng sigawan. Ahahaha. Ganyan binaliw ng F4 ang buong Pilipinas.

At noong kumanta na ang F4 o si Barbie, aba, nakikikanta ang mga audience! Naiintindihan n’yo ba ang kinakanta n’yo? Hindi naman ‘di ba? Ahahaha. Ngayon, alam n’yo na ang kasagutan kung bakit nakikinig pa rin kaming mga K-pop fans sa K-pop kahit hindi namin naiintindihan.

Speaking of K-pop, ito nga pala ang soundtrack ng Boys Over Flowers. Korean version ng Meteor Garden na kinabaliwan rin ng mga Pinoy.

Hanggang napapangiti tayo, hangga’t ang sarap sa pakiramdam ng kanta, siguro, walang masama na pakinggan at kantahin natin ito kahit hindi pa natin maintindihan. Kasi, why not?

Speaking of Boys Over Flowers, ewan ko ba kung ano’ng meron sa ABS-CBN! Sa pangalawang pagkakataon, binaliw na naman nila Pilipinas. As usual, sa pamamagitan na naman ng apat na lalaki at isang babae.

Salamat sa ABS-CBN, nagkaroon ng pagkakataon ang kalaban nilang istasyon na sumabay rin sa “Boys Over Flower Fever.” Oooops!

Anyway, ganito yata talaga kaadik ang mga Pinoy sa Meteor Garden. ‘Yung tipong kahit elementary ka, feeling mo nireregla ka na. Nag-mature bigla ang isip mo at marunong ka nang kiligin. Ahahaha. ‘Yung nanay at mga tita mo, ‘di rin makapagpigil. Kilig na kilig rin. Ahaha.

Hay, kahit Amazing Twins pa ang naunang Asianovela sa ‘Pinas, hindi n’ya naman napantayan ang Meteor Garden na sobrang phenomenal at bumago sa watching habit at lifestyle ng mga Pinoy noh!

Meteor Garden 2018 poster
Meteor Garden 2018 poster from Barbie Hsu’s official Instagram account
Para sa akin (o maaaring para sa ibang tao rin), Meteor Garden ang nanay ng lahat ng Asianovelas dito sa Pilipinas. Dito talaga nag-umpisa ang lahat. Meteor Garden ang nagbukas ng pinto sa mga Asianovelas na ngayo’y nae-enjoy ng mga Pinoy. At ngayong gagawan ito ng remake, sana’y mag-iwan ulit ito ng ngiti sa new generation of viewers.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s