Internet, Politics, Social Media

Ang simbolismo ni Mocha Uson

Na-encounter ka na ba ng riding in tandem?


E ng mandurukot?


Kung hindi pa, swerte ka! ‘Di bale, simbolismo lang ‘yang mga larawan na pinost ko. Symbolism — ‘yan ang bagong uso ngayon.

Nag-trending sa social media ang salitang “symbolism” dahil sa kagagawan ng isang atrimitida. Ang salarin? Walang iba kung hindi ang assistant secretary of the Presidential Communications Operation Office (PCOO) na si Mocha Uson.


Kilalang notorious si ateng sa pagpapakalat ng mali-maling balita sa social media. At s’yempre, dahil ginagalingan n’ya, may panibago na naman s’yang gimmick para makapang-uto ng mga tao.

Nag-share ng isang post si Mocha mula sa page ng CinEmotion Digital Films, isang pro-Duterte page, ng isang larawan ng mga nagdadasal na sundalo. Maganda naman sana ang pakay ni ate n’yo — ipagdasal ang mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City. ‘Yun nga lang, hindi naman mga sundalo mula sa Pilipinas ang picture na pinost n’ya.

Mocha Uson’s symbolism
Screengrabbed from Mocha Uson’s official page | Courtesy of @altteamafp on Twitter

Mabuti na lang at nahuli s’ya ng Twitter page na @altteamafp at sinabing sa Honduras kinunan ang larawan.

BUSTED: Alt Team AFP uncovers Mocha Uson’s lies
BUSTED: Alt Team AFP uncovers Mocha Uson’s lies | Screengeabbed from @altteamafp’s Twitter account

Ibinalita ito ng Rappler at dito nagsimulang umusok ang ilong ng lola n’yo. Ayon sa kanya, “symbolism” lang daw ang larawan at kailangan ng Rappler ng common sense para maintindihan ang post n’ya.

Mocha Uson’s official statement about Rappler’s fact-checking
Mocha Uson’s official statement about Rappler’s fact-checking | Screengrabbed from Mocha Uson’s official Facebook page

At dito na nga nagsimula ang “symbolism posts” sa social media…


Pero alam n’yo, hanga rin ako dito kay Mocha. Kahit na mali na s’ya, nakakahanap pa rin s’ya ng palusot. Pero ‘pag Kultong Dilawan ang nagkamali, paniguradong sisigaw na naman ‘yan ng…

Mocha Uson cursing at VP Leni

Naalala ko tuloy ‘yung isa n’yang friend na pinagbintangan ako na si Madam Claudia.


Ang banat n’ya, baka daw ginamit lang ang picture ko for “artistic freedom.” 


Again, symbolism. Mahilig yata sila d’yan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s