Local films, Movies

SPOILER ALERT: Bakit magandang manood ng Kita Kita?

Sabi ng karakter ni Alessandra de Rossi sa pelikula, magbilang ka daw muna ng isa hanggang sampu bago ka magdesisyon para hindi mo pagsisihan ang isang bagay na gagawin mo. Handa ka na bang basahin ang blog na ito? Magbilang ka muna.

Isa. Isa lang ang nasa isip ko bago pumasok sa sinehan: “Maganda nga kaya ang pelikulang ito?”

Dalawa. Dalawang beses tumapon ang popcorn namin ni Ser. Ang ganda kasi ng pelikula sa simula pa lang. Kaya ayun, sa screen na talaga nakatutok ang mga mata namin. Natapon tuloy.

Tatlo. Tatlong beses tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Akala ko hindi ako iiyak habang nanonood. Mali ako.

Apat. Sa apat na tao lang umikot ang istorya — dalawang bida at dalawang tao na nanakit sa bida. Dahil dito, nabigyan ng napakagandang istorya ang pelikula.

Lima. Limang oras bago kami manood ng pelikulang ito, ay nagtanong-tanong muna ako sa ibang tao kung maganda ba talaga ito. Maganda nga.

Anim. Anim na babae ang umiiyak sa likuran namin dahil sa twist ng istorya ng pelikula.

Pito. Pitong sad gifs ang pinadala sa akin ni Ser — signaling his sadness after watching the film. Nakakadala naman kasi talaga ng emosyon ang pelikulang ito.

Walo. Walong tao sa harap namin ang nakapila sa booth ang sabay-sabay na bumili ng ticket para sa pelikulang ito. Effective ang word of mouth!

Siyam. Siyam na hakbang mula nang maghiwalay kami ni Ser, nilingon ko s’ya. Baka kasi mag-suicide dahil sa lungkot n’ya sa pelikula. Ahahaha.

Sampu. Sampung beses ko nang kinakanta ang “Two Less Lonely People in the World”. Bukod sa nakaka-LSS, may kurot din itong iiwan sa’yo matapos mong panoorin ang pelikula.

Ngayong tapos ka nang magbilang, I hope nakapag-isip ka na kung babasahin mo pa ito o hindi na. Dahil…

NAMATAY ANG KARAKTER NI EMPOY SA PELIKULA.

Saklap noh? Binalaan na kita sa title pa lang ng blog na ito; alam mong may spoiler pero tumuloy ka pa rin. Sabagay, hindi mo naman alam kung kailan papasok ang spoiler. Parang sa pag-ibig — gusto pa rin nating magmahal at mahalin kahit na alam nating may mga oras na masasaktan tayo. Ang tanong: kailan? Hindi natin alam. Bigla na lang tayong hahampasin sa panahong hindi natin inaasahan.

Ganyan na ganyan ang nangyari sa kwento nina Lea at Tonyo. Naging temporarily blind si Lea dahil sa sobrang stress. Pero ‘yung pagkabulag na iyon ang naging sanhi kung bakit mas nakita n’ya nang malawak ang pag-ibig. Nang manumbalik na ang paningin ni Lea, saka naman naaksidente at namatay si Tonyo.

Nakakalungkot man ang nangyari, mas nakita naman ni Lea kung gaano s’ya kamahal ni Tonyo. ‘Yung mga sakripisyong ginawa ni Tonyo noong nabubuhay pa s’ya, lahat ‘yun, nakita ni Lea. Mula sa isanlibong origami, sa Saporro beer, sa banana costume, at sa isang liham na naglalahad ng mga bagay na ginawa ni Tonyo para mapalapit sa kanya, lahat ‘yun, kitang-kita ni Lea. Kitang-kita n’ya.

In the end, natuwa ako sa mga lessons na iniwan ng pelikula. Hindi hinahanap ang pag-ibig kasi darating ito nang kusa sa’yo. Minsan naman, bulag din tayo. Kasi, kahit nasa harap na natin sila, balewala lang sila sa atin. At kung mapasa’tin man sila, minsan, nate-take for granted naman ang presence nila; without realizing na balang araw, mawawala rin sila.

Kitang-kita ko na walang forever pagdating sa relasyon. Kung hindi kayo maghihiwalay, may isa namang mamamatay. Pero kung may forever man, ‘yun e ‘yung pag-ibig na nararamdaman ng isang tao. Naipapasa lang nang naipapasa sa iba para maramdaman din nila.

Advertisements

1 thought on “SPOILER ALERT: Bakit magandang manood ng Kita Kita?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s