ABS-CBN, GMA Network, Internet, K-pop, Social Media, Television

Glaiza de Castro and the kaputahan of some K-pop fans

Minsan talaga, gusto kong magkaroon na ng official registration o membership ang isang fandom. At sa registration na ‘yon, required ang IQ Test. Natatangahan na talaga ako sa ibang K-pop fans.

Glaiza de Castro as G-Dragon

VIPs and Applers, anyare? Ako, Kapamilya ako. Alam n’yong ilalaban ko ang ABS-CBN katulad ng pakikipaglaban ko sa 2NE1. Pero, ‘yung hate na natatanggap ni Glaiza (although Kapuso s’ya), e hindi naman siguro dapat i-tolerate.

Balikan n’yo ‘yung pangyayari kung bakit nagalit ‘yung iba sa kanya — dahil sa “nagpa-VIP” kuno s’ya sa pila.

Glaiza de Castro and her friends waiting for MOTTE in Manila ticket selling

First of all, tagabundok po ba kayo? Hindi naman sumingit si Glaiza. May pumila at nagbayad para sa kanya. E kung ako man ang nasa pila at sumingit si Glaiza, baka kumakain na ‘yan ng sarili n’yang ngipin ngayon eh. E kaso, mga teh, MAY PUMILA para sa kanya. Ano’ng gusto n’yo, makipila rin s’ya para lalong pagkaguluhan? E ‘di lalo kayong napatagal sa pila.
Glaiza de Castro’s official statement regarding the hates she gets from some VIPs

May nabasa akong comment ng tanga doon sa post ni Glaiza; na kesyo for her daw, “shitty and rude” and hindi pagpila dahil “fangirl code” daw ‘yon. Ano’ng klaseng kaululan ‘yon? Ginagawang fact ang opinyon n’yang patanga.

OA na fan sa Twitter

Ang tawag sa ginawa ni Glaiza, DISKARTE. Ganern. Kasalanan n’ya pa ba kung hindi n’yo naisip ‘yung ginawa n’ya o walang pumila for you? Hindi. Kaya ‘wag kayong insekyora.

Pangalawa, ‘yung sa “nag-agree” daw s’ya na sasaeng ang MGA (lahat) ng VIPs at Applers (DaraGon shippers). Basahin n’yo nga ulit ‘yung statement do’n. Ang sabi nu’ng nag-comment, “SOME are VIPs and DaraGon shippers.” SOME. Hindi sinabing ALL, hindi sinabing MOST, hindi sinabing SEVERAL, hindi sinabing MANY. SOME ang ginamit na indefinite pronoun. Kingina. Ano’ng tingin n’yo sa VIP fandom, puro matitino? S’yempre, may iba d’yan na nauulol — tulad ng ginagawa NG IBA sa inyo ngayon. (Dahil OA ‘YUNG IBA sa inyo, ine-emphasize ko na ‘‘YUNG IBA’ para ‘di n’yo ako paratangan na nagge-generalize).

Screengrabbed from Glaiza’s Twitter account

Kung um-agree man si Glaiza, sa tingin n’yo, pag-generalize ang ginawa n’ya? Of course, hindi. Malalaki na tayo, uy! Gamitin naman po natin ang common sense natin. ‘Yung tipong kahit wala nang indefinite pronoun na gamitin, alam na sana natin na wala namang generalization.

‘Tsaka, oo nga pala, agree ako doon sa statement about some Applers. Marami-rami na rin akong na-encounter na mga OA at iyakin talaga. Kung noon, yamot ako sa ibang SkyDragon shippers, ngayon, medyo gets ko na sila kung bakit G na G rin ‘yung iba sa ibang mga Applers na ito.

Pangatlo, ang sinasabing “scary” ni Glaiza e ‘yung mga sasaeng fans. Baliw ba kayo para matamaan sa salitang ‘yun? Hindi naman VIPs at Applers ang sinabihan n’yang scary.

Screengrabbed from Glaiza’s Twitter account

Pang-apat, ‘yung sa pagpunta n’ya sa hospital kung saan naka-confine si TOP. Ano, mga teh? Naubusan ng ibabatong hate? Pati ‘yung pagpunta n’ya sa hospital, napuna n’yo na? Dalawan buwan na ang nakalipas, ngayon lang kayo puputak?

Glaiza de Castro, apparently at the hospital where TOP was confined

Kung alam ko lang, manghang-mangha pa kayo noong nabalitaan n’yo ‘yun. Fan girl goals pa kayong nalalaman noon, eh, ‘di ba? Inggit much pa kayo sa kanya.

Glaiza de Castro, apparently at the hospital where TOP was confined

Tapos ngayon, anuna? Dahil marami s’yang hate na natatanggap, puputak din kayo? ‘Wag n’yo namang ipahalata na bandwagon fans kayo. Oo, sige, sabihin na nating may pagka-sasaeng ang ginawa ni Glaiza; pero bakit ngayon lang kayo nag-react? Bakit inggit much ang initial reaction n’yo? Kasi, gusto n’yo rin namang mangyari sa inyo ‘yun kung kayo si Glaiza. Sino ba ang ayaw mapalapit sa idol n’ya? ‘Wag nga kayong plastic.

So, ayun. Ang haba na ng sinabi ko. ‘Wag po kayong OA. ‘Di porket may nag-hate na isa, makiki-hate na rin kayo. Mga ‘beterano’ na kayo sa K-pop world ‘di ba? Bakit parang pumapantay kayo sa mga jejeneration ng mga K-pop fans ngayon na kailangan pang paliwanagan?
Umayos kayo, uy. Sabi n’yo nga, VIPs (and YG stans) are classy. E bakit ang trashy ngayon?
PS. Ang pangit pa rin ng set ng Encantadia. Parang set lang ni Tatalino sa Bubble Gang. Sana naman, gumanda sa second season para matalo na nila si Cardo. Ahahaha.

Tatalino from Bubble Gang

Advertisements

5 thoughts on “Glaiza de Castro and the kaputahan of some K-pop fans”

  1. Peeple tend to be trashy whenever they feel hate or other unnecessary things to feel toward an innocent person.
    But it does not mean that you should be a bitch about every little things. I don’t understand why some fans are like that.

    Like

  2. Paano yung mga bumili ng maraming ticket? Dapat isa lang binili nila kasi sila lang nakapila ano yun piggyback din? Ang tatanga din ng ibang VIP eh mga bata kasi.. be mature!! Im a certified VIP, YG stan and crazy over GD..

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s